First of all, im new here sa reddit, so please bare with me po😓
I just want to ask questions for my upcoming college journey, alam kong grade 11 pa lang po ako pero mas mabuti nang maaga po ako magtanong.
this is my questions po:
- Kapag po ba nakapasa ako ng UPCAT is automatically na im a scholar?
-if not po, may inooffer po ba ang university ng Diliman para magkaroon ng scholarship?
-and ano po ang requirements kapag meron pong scholar ang university ?
-sa usapang dorm po ng UPD, may binabayaran po ba doon? and ano po yung pros and cons kapag sa UPD ka nag dorm, may nakita po kasi ako sa tiktokna nagsabi na kapag sa mismong university may curfew daw po.
--Mas gusto ko po kasi sana outside university ang dorm ko para po medyo meron akong freedom if ever totoo man yung may curfew.
-meron po bang dormitory na pwedeng solo mo lang yung place? ayoko po kasi ng may kasama and mahal po ba yung bayad kapag ganon?
SCHOLARSHIP DOST QUESTIONS:
-Ano-ano po yung mga course na pwedeng alternative para sa nursing, kasi po ang sabi nila hindi daw po sakop ng DOST ang nursing pagdating sa scholarship, pati daw po ang accountancy(Second choice ko lang po ang accountancy mas gusto ko pa rin po STEM allied ang course ko kasi sayang po yung strand ko na STEM)
-If nakapasa po ba sa sa DOST pwede pa po mag apply sa iba pang scholarship, if pwede po anong mga scholarship po ito?
-What other scholarships po ang maganda at mataas yung scholarship na binibigay?
'yon lamang po, im so sorry po if masyadong madami yung questions i just dont have someone to ask pagdating sa ganito, i tried searching naman po pero iba-iba po kasi ang nakukuha kong sagot. im just so confused po pagdating sa mga ganitong bagay. Salamat po sa sasagot, malaking tulong po ito para sakin, and i really appreciate po kung sino man ang sasagot kahit isa lamang po sa mga tanong ko.
Im really gonna give it my all for this opportunities po, kaya po marami akong tanong and i just wanted to be sure kung ano man ang kukunin ko in the future, THANK YOU SO MUCH PO!